Tagalog

Pagninilay 269: Dalawahang Pagtitig sa Awa at Kaabahan

Kung makapipili ka ng dalawang bagay na pagtutuunan ng iyong paningin, ano ang mga iyon? Ang dalawang pinakamahalagang dapat pagtuunan ng paningin ay ang Awa ng Diyos at ang sarili mong kaabahan. Malamang na madaling maunawaan kung bakit ang Awa ng Diyos ay isa sa pinakamahalagang bagay na dapat pagtuunan…

Pagninilay 268: Pagninilay sa Kamatayan

Marahil ay nakatatakot isipin ang iyong kamatayan. Maaaring hindi mo ito gaanong pinag-iisipan. Ngunit isang biyaya ang magawang harapin ang sariling kamatayan nang tuwiran at may lubos na pagtitiwala. At magagawa mo lamang ito nang may lubos na pagtitiwala kung ang iyong buhay ay nasa ayos…

Pagninilay 262: Ang Pamamahala ng Pag-ibig o Katarungan

Hindi tayo makatatakas sa Kamay ng Diyos. Siya ang umaalalay sa Sansinukob at nagpapanatili sa pag-iral ng lahat ng bagay. Kung wala ang Kanyang patuloy na pangangalaga, titigil ang ating pag-iral. Ngunit nananatili tayo sa ilalim ng Kanyang mapagkalingang Kamay sa isa sa dalawang paraan. Ginagabayan tayo ng “pamamahala ng pag-ibig” o ng “pamamahala ng katarungan.” Ang…

Pagninilay 261: Si Hesus na Nakatago sa Kapwa

Isipin mong lumapit sa iyo si Hesus na dukha, nagugutom at giniginaw, at hiniling Niyang alagaan mo Siya.  Maaaring magulat ka sa karanasang ito at mapatanong kung si Hesus nga ba talaga ang taong ito.  Ngunit Siya nga si Hesus.  Araw-araw na lumalapit sa atin si Hesus sa katauhan ng taong nangangailangan.  Maaaring…

Pagninilay 259: Ang Kagandahan ng Mapagpakumbabang Kaluluwa

Ano ang nagpapaganda sa isang tao? Higit sa lahat, ito ay ang birtud ng kababaang-loob. Lubhang kaakit-akit ang kababaang-loob. Bagaman maaaring hindi gaanong humanga ang ilan sa mapagpakumbabang kaluluwa sa simula, sa paglipas ng panahon, maaakit ng kababaang-loob maging ang pinakamayabang at pinakamakasariling tao. Ito ay…

Pagninilay 258: Ang Pagiging Malapit ng Diyos

Nasaan ang Diyos?  Madaling isipin na ang Diyos ay nasa Langit o nasa isang malayong lugar, nakatunghay sa atin at gumagabay sa buong sangnilikha ayon sa Kanyang banal na Kalooban.  Totoo ito, ngunit hindi ito ang kabuuang larawan.  Ang Diyos ay ganap na “transendente” sapagkat Siya ay lubhang higit sa atin at higit sa nilikhang daigdig.  Ngunit Siya…

Pagninilay 249: Ang Bunga ng Pagdurusa

Matapos lamang dumanas ng matinding pagdurusa nagsisimulang maunawaan ng isang tao ang mabubuting bungang maaaring magmula rito. Sa ganang sarili nito, ang pagdurusa ay bunga ng ating kalagayang makatao na nasadlak sa kasalanan. Ngunit dahil pumasok si Hesus sa ating kalagayang makatao, niyakap…

Pagninilay 247: Ang Pagpapalang Hatid ng mga Nangangailangan

Kung may isang miyembro ng inyong pamilya na malubha ang sakit, nasa bilangguan, o may iba pang mabigat na pangangailangan, magiging pasanin ba siya para sa iyo o isang pagpapala?  Pag-isipan mo ito.  Mas pinahihirap ba ng mga taong may natatanging pangangailangan ang iyong buhay?  Kung sasagutin ang tanong na ito sa praktikal na pananaw lamang, ang…

Pagninilay 246: Sa Pagtanggap ng Banal na Komunyon

Ano ang ginagawa mo matapos tumanggap ng Banal na Komunyon? Bumabalik ka ba sa iyong upuan nang wala sa loob, kung saan-saan napapadpad ang isip, napapansin ang mga nasa paligid mo, at hindi tunay na nakakatagpo ang ating Panginoon sa diwang espirituwal? O hinahayaan mong maging sandali iyon ng tunay na panalangin at pakikipag-isa…

Pagninilay 243: Ang Natatanging Kaloob ni Jesus sa mga Minamahal Niya

Paano mo pakikitunguhan ang isang taong mahal mo? Karaniwan, para sa ating pamilya o malalapit na kaibigan, hinahangad natin ang pinakamabuti para sa kanila at ang magpapaligaya sa kanila. Ganoon din ang hangad ng Diyos para sa bawat isa sa atin, ngunit maaaring magulat tayo sa itinuturing ng Diyos na…