Tagalog

Pagninilay 180: Ang Pagpapakasakit ni Hesus

Tayong mga pamilyar sa mga Ebanghelyo ay maaaring maging manhid kung minsan sa mga pagdurusa ni Kristo. Naririnig nating binabasa ang salaysay taun-taon at marami na tayong nakitang larawan ng Kanyang Pagpapakasakit. Dahil sa pagiging pamilyar natin dito, maaaring hindi natin ito hayaang magkaroon ng nararapat na bisa…

Pagninilay 152: Ang Misteryo ng Biyaya ng Pagdurusa

Ang pagdurusa ng tao ay isa sa mga pinakadakilang misteryo ng buhay. Ang Talaarawan ni Santa Faustina, gayundin ang buong espirituwal na tradisyon ng ating pananampalataya, ay nagsisiwalat ng maraming bagay tungkol sa malalim na misteryong ito ng pagdurusa. Una, mula sa isang pananaw na sekular lamang, ang pagdurusa ay malayong maging kanais-nais. Sa katunayan, karaniwan itong iniiwasan anuman ang kapalit at itinuturing na pinakamalaking trahedya. Gayunman, mula sa pananaw ng isang Kristiyano, ang pagdurusa mismo ay…

Pagninilay 137: Kapangyarihan sa Krus

Kapag nananalangin ka, nauupo ka ba kung minsan at pinagmamasdan ang krusipiho? Para sa isang tagalabas, ang krusipiho ay isang katotohanang mahirap maunawaan. Bakit natin itataas at pararangalan ang gayong kakila-kilabot na pangyayari? Ang malupit na pagpaslang sa Anak ng Diyos ay maaaring hindi kaagad makaakit sa atin. Gayunman…

Pagninilay 99: Ang Hagupit ng Kasalanan

Bakit nagdusa nang gayon si Hesus?  Bakit Siya hinagupit nang napakatindi?  Bakit napakasakit ng Kanyang kamatayan?  Sapagkat ang kasalanan ay may mga bunga at pinagmumulan ng matinding sakit.  Ngunit ang kusang-loob at walang-kasalanang pagyakap ni Hesus sa pagdurusa ay nagpabago…

Pagninilay 81: Kapangyarihan at Awa

Isipin ang isang diktador ng isang bansa na may ganap na kapangyarihan at lubhang magagalitin, mapaghangad ng masama, at mapaghiganti. Hindi mo nanaising magalit sa iyo ang ganitong tao. Ngayon, isipin naman ang kabaligtaran. Isipin ang isang may ganap na kapangyarihan at pinagkalooban din ng pusong puspos ng dalisay na…

Pagninilay 76: Di-makatarungang mga Paratang

Marahil ay nakaranas na ang lahat ng di-makatarungang paratang mula sa kapwa. Maaaring talagang nagkakamali lamang ang iba tungkol sa mga pangyayari o sa ating layunin sa ating ginagawa. O maaaring mas mapanira at malupit ang kanilang layunin. Ang maparatangan nang mali ay maaaring maging lubhang masakit at…

Pagninilay 59: “O, Dugo at Tubig…”

Pagkamatay ni Hesus, lumapit sa Kanya ang isa sa mga kawal na inutusang tiyaking patay na Siya. Kaya tinusok ng kawal na iyon ng sibat ang Kanyang mahal na katawan, at kaagad na dumaloy ang dugo at tubig mula sa Kanyang sugatang Puso. Ito ay mapanalanging pinagnilayan…

Pagninilay 26: Pag-iisa ng Iyong Krus sa Kalooban kay Kristo

Habang lalo kang napapalapit sa Diyos, may mga pagkakataong sari-saring damdamin ang mararanasan mo. May ilan na makadarama na sila ay tinatanggihan ng Diyos. Hindi tayo kailanman tinatanggihan ng Diyos, ngunit maaaring tunay nating maramdaman sa ating kalooban ang pagtangging ito. Dahil dito, nawawalan ng pag-asa ang ilan. Kung masumpungan mo ang iyong sarili, ngayon o sa hinaharap…

featured image DM

Pagninilay 5: Pagtubos sa Sanlibutan

Ang Pagkakatawang-tao ang pinakadakilang gawa ng Awa na kailanma’y nakilala. Ang tanging sumunod na gawang humigit dito ay ang pagkamatay ni Hesus sa Krus, na dumurog sa kasalanan at kamatayan sa pamamagitan ng Kanyang dugo. Ang pagtubos sa sanlibutan, sa pamamagitan ng dugo sa Krus, ay isang gawa ng pag-ibig at Awa…