Tagalog

Pagninilay 311: Ang Katotohanan ng Kababaang-loob

Ang maluwalhating birtud ng kababaang-loob ay dapat unawain, patuloy na pagnilayan at patuloy na yakapin. Ano ang kababaang-loob? Ito ay walang iba kundi ang pagkilala sa katotohanan tungkol sa iyong sarili, paniniwala sa katotohanang iyon at pamumuhay nang naaayon dito. Ikaw lamang at ang Diyos ang nakaaalam ng kaibuturan ng iyong budhi. Ang opinyon ng tao…

Pagninilay 310: Ang Kahangalan ng diyablo

Totoo ang diyablo at totoo ang kanyang mga tukso. Lubos ang kanyang pagkamuhi sa iyo at hangad niya ang iyong kapahamakan. Mabuting malaman ito. Ngunit tuso rin at mapagmanipula ang diyablo, at bihira siyang magsabi sa iyo ng tahasang mga kasinungalingan sapagkat alam niyang malamang na hindi ka mahihikayat ng ganitong tukso…

Pagninilay 309: Pakikipag-usap sa Kapwa

Sa tuwing nakikipag-usap tayo sa kapwa, lagi itong pagkakataong maibahagi ang pag-ibig ng Diyos. Kahit ang karaniwang kuwentuhan ay may ganitong kakayahan. Halimbawa, ang matamang pakikinig sa mga detalye ng buhay ng kausap ay nagpapahayag ng malasakit at pag-aalala para sa kanya at nagpapakita na nakikita mo ang kanyang dignidad…

Pagninilay 303: Katahimikan

Isa sa mga panganib na nararanasan ng marami sa ating makabagong daigdig ng teknolohiya ay ang walang tigil na ingay. Madali tayong mabugahan ng samu’t saring usapan sa buong maghapon. Maaaring mula ito sa radyo, TV, Internet, o sa walang patid na pagsasalita ng iba. Bihira tayong magkaroon ng mga sandali ng ganap na…

Pagninilay 302: Isang Dakila, Makapangyarihan at Matalas na Intelekto

Ang ating kaisipan ay kaloob ng Diyos at isa sa dalawang pangunahing paraan kung paano tayo nilikha ayon sa Kanyang larawan at wangis. Ang isa pang paraan ay sa pamamagitan ng kaloob na malayang kalooban. Ngunit ang intelekto ay isang kahanga-hangang kaloob na dapat ilaan sa gawain ng Diyos. Mabuting manalangin na ang ating Panginoon…

Pagninilay 301: Ang Pakikipag-isa ng mga Banal

Isa sa dapat mag-udyok sa atin na masigasig na ipalaganap ang Awa ng Diyos ay ang katotohanan ng Pakikipag-isa ng mga Banal. Ang pag-unawa sa walang-hanggang pakikipag-isang ito ay tutulong sa atin na mapagtanto na ang ginagawa natin ngayon ay ikagagalak natin magpakailanman sa Langit. Halimbawa, kung…

Pagninilay 299: Ang Pagkapagod na Dulot ng Karunungan ng Tao

Ang mga salita ng katotohanan na nagmumula sa Puso ng ating Panginoon ay nagdudulot ng kagalakan sa ating buhay at nagpapanibago sa ating diwa. Kapag naririnig mo ang mga salitang ito ng katotohanan, isinasapuso at isinasabuhay ang mga ito, napalalaya ka mula sa pasanin ng kamalian at maaari kang makaranas ng kagaanan at kaginhawahan ng kalooban. Gayunman…

Pagninilay 293: Pagiging Walang Anuman

Nakikita mo ba ang halaga ng pagiging walang anuman sa sarili mong paningin?  Marahil ay hindi.  Mahirap tanggapin ang ganitong pananalita dahil ang kababaang-loob ay lubos lamang na nauunawaan sa pamamagitan ng isang natatanging kaloob ng biyaya ng Diyos.  Itinuturing pa nga ng ilang sinaunang pilosopo ang pagmamataas bilang isang dakilang birtud, habang minamaliit…

Pagninilay 289: Ang Pagnanais para sa mga Kaluluwa

Kapag sinuri mo ang mga hangarin ng iyong puso, alin ang pinakanamumukod-tangi? Tiyak na maraming bagay ang umaakit sa iyo. Madaling mapuno ng mga makamundong gantimpala at kaluguran ang iyong mga paghahangad. Ang pagnanais sa pisikal na kaluguran, salapi, at makamundong tagumpay ay kabilang sa pinakamatitinding hangarin ng…