Tagalog

Pagninilay 264: Isang Retiro Kasama si Hesus

Nakapagretiro ka na ba?  May mga mapalad na nakapaglalaan ng panahon na malayo sa kaabalahan ng buhay upang makinig nang mas matagal sa ating Panginoon at manatili sa Kanyang maawaing presensya.  Para naman sa iba, mahirap makahanap ng kahit isang araw para sa ganitong pagreretiro.  Anuman…

Pagninilay 263: Ang Diyos Bilang Iyong Timonel sa Bagyo

Isipin mong isa kang maliit na bata na nasa isang maliit na bangka sa gitna ng dagat. Dumating ang isang bagyo at wala kang matanaw na lupa saan ka man tumingin. Inihahagis-hagis ka ng mga alon na tumatabon sa unahan ng bangka sa bawat paghampas, at iniisip mo kung paano ka makaliligtas. Ngayon, isipin mong ang iyong tatay…

Pagninilay 257: Ang Pangmatagalang Plano ng Diyos

Kapag hinahangad mong paglingkuran ang ating Panginoon nang buong puso, maaari mong matuklasang nangungusap Siya sa iyo tungkol sa Kanyang Kalooban sa bawat araw. Maaaring hindi ito lubos na malinaw, ngunit maaari mong madamang may nais Siyang ipagawa sa iyo. Karaniwang hindi inilalahad ng Diyos ang buong plano Niya para sa iyong buhay nang…

Pagninilay 235: Ang Payak na Panawagan sa Awa

Habang lumalalim tayo sa ating pananampalataya, madaling isipin na magiging mas masalimuot ang buhay. Halimbawa, kapag nagsimulang mag-aral ng matematika ang isang tao, ang bawat kursong kinukuha niya ay nakabatay sa nauna…

Pagninilay 228: Ang Di-nagmamaliw na Presensya ng Diyos

Buháy ba ang Diyos sa iyong buhay? Nananahan ba Siya sa iyo? Kapiling mo ba Siya sa kaibuturan ng iyong puso araw at gabi? Iisa lamang ang maaaring maging dahilan upang lisanin ka ng Diyos, at iyon ay ang kasalanang mortal…

Pagninilay 227: Nahahadlangan ang mga Plano ng Tao

Madali para sa atin na bumuo ng inaakala nating isang napakagandang plano para sa ating buhay at para sa kaluwalhatian ng Diyos. Maaari tayong mag-isip, magplano, bumuo at magsaayos ng mga bagay sa isang tiyak na paraan, ngunit sa huli ay matutuklasan nating ang ating nabuo ay hindi pala ang nasa Isip ng Diyos…

Pagninilay 224: Magsalita o Manahimik

Karaniwang hilig ng tao ang magsalita nang labis at magpaliwanag ng sarili sa iba, lalo na upang bigyang-katwiran ang ating mga kilos sa kanilang paningin.  Lalo itong nangyayari kapag nadarama nating hindi tayo nauunawaan ng iba.  Ngunit naranasan ito ni Hesus sa pinakamatinding paraan…

Pagninilay 219: Mga Hirap sa Pagpapahayag ng Awa

Kung itatalaga mo ang iyong sarili sa lubos na pagyakap sa Awa ng Diyos sa iyong buhay, mababago ka nang higit pa sa pinakamatayog mong mga pangarap. Ngunit may isa ka pang mararanasan. Makatatagpo ka ng matitinding hirap sa iyong pagsisikap na isabuhay at ipahayag ang Awa sa isang daigdig na nahulog sa kasalanan. Hindi nauunawaan ng daigdig ang Awa ng Diyos. Kalupitan at paghatol lamang ang alam ng daigdig. Naghahangad ito ng paghihiganti at pinararangalan…

Pagninilay 214: Ganap na Kapatawaran

Isipin mong nagkasala ka ng isang mabigat na krimen at nahaharap sa habambuhay na pagkabilanggo. Nagsisi ka sa iyong ginawa at lubos mo itong inamin. Sa araw ng paghatol sa iyo, dumating kang nakaposas mula sa kulungang pinagdadalhan sa iyo, na alam mong malapit ka nang bumalik doon. Ngunit sa halip, ang hukom…

Pagninilay 213: Ang Espirituwal na Kaloob ng Pag-unawa

Nauunawaan mo ba ang mga misteryo ng Diyos? Isipin mong isa kang teologo na maraming taon nang nag-aaral ng pananampalataya ng ating Simbahan. Ang kaalaman ba sa lahat ng larangan ng teolohiya ng ating Simbahan ay tiyak na magbubunga sa iyo ng tunay na pag-unawa sa mga…