Tagalog

Pagninilay 53: Mga Kahirapan sa Panalangin

May mga panloob at panlabas na kahirapan tayong nararanasan habang sinisikap nating gawing pang-araw-araw na gawi ang pananalangin.  Mga panloob na kahirapan: panghihina ng loob, pagkatuyot ng kaluluwa, kabigatan ng kalooban at mga tukso.  Napagtatagumpayan ang mga kahirapang ito sa pamamagitan ng pagtitiyaga at pagpupunyagi.  Mga panlabas…

Pagninilay 52: Araw-araw na Panalangin

Ano ang nagpapaganda sa iyong kaluluwa? Panalangin. Ano ang naglalayo sa iyo sa kasalanan? Panalangin. Ano ang pumupuno sa iyo ng pag-asa? Panalangin. Ano ang umaakay sa iyo sa landas ng kabanalan? Panalangin. Ang panalangin ang susi sa lahat ng bagay. Kung walang panalangin sa bawat araw…

Pagninilay 51: Dalisay na Pag-ibig

Umiibig ka ba nang may dalisay na pag-ibig?  Ano ang anyo ng ganitong pag-ibig?  Ang dalisay na pag-ibig ay tuwirang dumadaloy mula sa Puso ni Kristo patungo at sa pamamagitan ng iyong buhay.  May magagandang katangian ang banal na pag-ibig na ito.  Una, ito ay masagana.  Kapag umiibig tayo nang taglay ang Puso ni Kristo, masagana ang ating pag-ibig.  Walang…

Pagninilay 48: Katahimikan

Maaaring makapagpatibay o makasira sa kapwa ang ating dila. May tuwirang epekto rin ang ating dila sa sarili nating kaluluwa. Kapag ang ating dila ay bumibigkas ng mga salitang kinasihan ng Diyos, lumalago tayo sa kabanalan. Kapag ang ating dila ay bumibigkas ng mga salitang hindi mula sa Diyos, lubha nating napipinsala ang ating kaluluwa at ang ating kapwa. Ang…

Pagninilay 45: Banal na Komunyon

Kung minsan, wala tayong ganang magsimba o lubhang nagagambala ang ating isip habang lumalapit tayo sa Kabanal-banalang Sakramento.  Marahil ang isa sa pinakamabuting gawin sa ganitong pagkakataon ay ang mamuhay sa banal na pagsunod.  Nais ni Hesus na tumanggap ka ng Banal na Komunyon tuwing Linggo at tuwing pistang pangilin…

Pagninilay 17: Dumulog sa Ating Mahal na Ina sa Panalangin 

Dumulog sa ating Mahal na Ina nang may pagtitiwala sa panalangin.  Inaaruga ka niya nang malapit sa kanyang Kalinis-linisang Puso at aakayin ka niya sa kanyang Anak na si Hesus.  Siya ang ganap na Ina, ang Ina ng Lahat ng Biyaya.  Magtiwala sa Kanyang maka-inang pangangalaga at pamamagitan.  Alam niya kung paano buksan ang bukal ng mga biyaya…

Pagninilay 16: Ganap na Pagsuko sa Diyos

Magpatirapa sa harap ng Diyos. Ipatirapa ang iyong sarili sa Kanyang harapan. Kung kaya mo, gawin ito nang literal. Kung makagagambala ito sa iba, gawin ito sa iyong kalooban. Magpatirapa sa harap ng Diyos at magsumamo sa Kanya na ipakita sa iyo ang Kanyang Banal na Awa at ang Kanyang kabanal-banalang Kalooban.  Maraming pagkakataon…

Pagninilay 8: Pagbubulay sa Koronilya ng Banal na Awa

Inaanyayahan tayo ng Talaarawan ni Santa Faustina sa isang bagong anyo ng debosyon sa iba’t ibang paraan.  Ang ikatlong paraan ay sa pamamagitan ng Koronilya ng Banal na Awa.  Ang koronilya ay isang napakahalagang kaloob. Isa itong kaloob na dapat nating sikaping dasalin araw-araw…

Pagninilay 365: Ang Reyna ng Awa

Ang huling pagninilay na ito ay iniaalay sa Reyna ng Awa, ang Lubhang Maluwalhating Ina ng Diyos. Higit kaninuman, siya noon at patuloy na isang ganap na kasangkapan ng Awa ng Diyos. Isinilang niya sa mundong ito ang Awa Mismo sa pamamagitan ng kanyang fiat, ang kanyang “Oo,” sa Pagpapahayag ng Anghel. Siya…

Pagninilay 364: Panalangin para sa mga Naghihingalo

Napakahalaga ng oras ng iyong kamatayan para sa iyong walang hanggang kaligtasan.  Kapag dinarasal mo ang “Aba Ginoong Maria,” partikular mong ipinagdarasal ang banal na oras na ito.  Isa itong banal na oras.  Ngunit ito rin ang oras na muli kang sasalakayin ng Masama upang tangkaing agawin…