Tagalog

Pagninilay 80: Sa Oras ng Ating Kamatayan

Kung dinasal mo na ang “Aba Ginoong Maria,” naipanalangin mo na ang iyong huling oras sa mundong ito: “Ipanalangin mo kami ngayon at kung kami’y mamamatay.”  Nakakatakot ang kamatayan para sa maraming tao, at karaniwan ay ayaw nating isipin ang oras ng ating kamatayan.  Ngunit…

Pagninilay 79: Ang Ating Mahal na Inang Nagdadalamhati

Napakaraming tiniis ni Inang Maria sa kanyang buhay.  Tiniis niya ang mga hinala at pangungutya nang mahimala niyang ipaglihi ang kanyang Tagapagligtas.  Taglay ang ganap na pagmamahal ng isang ina, nasaksihan niya ang pagtanggi at di-pag-unawa sa kanyang Banal na Anak.  At nanatili siya sa Kanyang tabi sa Kanyang paghihirap at kamatayan.  At sa lahat ng…

Pagninilay 75: Pagtagpo kay Kristo sa Kapwa

Tunay na banal ang Kabanal-banalang Sakramento.  Ito ay pinipitaganan at pinakikitunguhan nang may lubos na paggalang.  Hindi natin kailanman itatapon ang ating Panginoon o basta iiwan Siya sa sahig o sa isang lugar na walang pagpipitagan.  Gayunman, madalas ay hindi natin naipakikita sa kapwa ang paggalang na ipinakikita natin kay Hesus…

Pagninilay 74: Isang Pusong Mahabagin

May pagkakaiba ba ang “simpatiya” at “habag?” Kung mayroon, ano ang pagkakaiba? At alin ang higit na kanais-nais? Ang simpatiya ay nangangahulugan lamang na nalulungkot tayo para sa iba. Sa isang diwa, nangangahulugan ito na naaawa tayo sa kanila. Ngunit higit pa rito ang habag. Nangangahulugan ito na tayo ay…

Pagninilay 73: Paglalim ng Ating Pagnanais kay Jesus

Habang lalo nating nakikilala si Jesus, lalo natin Siyang ninanais. At habang lalo natin Siyang ninanais, lalo natin Siyang nakikilala. Ito ay isang magandang karanasan ng patuloy na pagkilala at pagnanais, pagnanais at pagkilala (Tingnan ang Talaarawan #273)…

Pagninilay 70: Pakikiisa sa Nagdurusang Kristo

Aling larawan ni Kristo ang higit na magaan sa iyong loob?  Sa aling larawan ka mas madaling makiisa?  Sa larawan ni Kristong niluluwalhati bilang Hari ng lahat?  O sa larawan ni Kristong hinagupit at nagdurusa?  Sa huli, itutuon natin ang ating mga mata sa Panginoon sa Kanyang kaluwalhatian at kamahalan at ito ang magiging…

Pagninilay 68: Pagagalak sa Kabutihan ng Iba

Kapag gumagawa ng mabuti ang iba, paano ka tumutugon? Malamang na kapag gumagawa ng mabuti ang isang bata, nagdudulot ito ng galak sa iyong kaluluwa. Ngunit paano naman ang iba? Ang isang tiyak na tanda ng pusong maawain ay ang kakayahang taimtim na magalak sa mabuting ginagawa ng iba. Napakadalas na nagiging hadlang ang paninibugho at inggit sa ganitong uri…

Pagninilay 67: Mga Natatagong Rosas ng Pag-ibig

May mga pagpapahayag ng pag-ibig na para lamang sa dalawang nagmamahalan. Ang mga gawa ng pinakamatimyas na pakikipag-ugnayan at pagkakaloob ng sarili ay mahahalagang kaloob ng pag-ibig na ibinabahagi sa lihim ng isang ugnayang puno ng pagmamahalan. Gayon din ang ating pag-ibig sa Diyos. Dapat tayong laging humanap ng mga paraan upang maipahayag ang ating pinakamalalim na pag-ibig…

Pagninilay 66: Katarungan sa Pamamagitan ng Awa

May mga taong araw-araw na nakararanas ng kalupitan at pagmamalupit ng iba. Lubhang masakit ito. Dahil dito, maaaring magkaroon ng matinding pagnanais na makamit ang katarungan upang mapanagot ang taong nagdudulot ng sakit. Ngunit ang tunay na tanong ay ito: Ano ang ipinagagawa sa akin ng Panginoon? Paano ako…

Pagninilay 61: Saan Nagmumula ang Kaligayahan

Magagawa mo bang maging maligaya kung ikaw ay nasa bilangguan?  O paano kung tinawag ka sa murang edad na pumasok sa isang monasteryong klawstrado at mamuhay nang nakahiwalay sa mundo sa buong buhay mo?  Makasusumpong ka ba ng kaligayahan kung namumuhay ka sa matinding karukhaan at halos hindi sapat ang iyong maipakain sa iyong pamilya…