Tagalog

Pagninilay 357: Ang mga Udyok ng Biyaya

Kapag may isang taong nababagabag, maaaring umiwas ka sa kanya.  Madaling isipin na ang pakikipag-usap sa kanya ay magiging mabigat na pasanin sa iyong oras at lakas.  Ngunit kung ang Panginoon ang gumagabay sa inyong pag-uusap, makagagawa Siya ng mga kamangha-manghang bagay sa maikling panahon.  Totoo, may mga…

Pagninilay 356: Ang Pagpintig ng Iyong Puso

Kapag may pananabik sa iyong buhay, nagsisimulang bumilis ang tibok ng iyong puso.  Likas na tugon ito.  Kaya naman, mabuting pagnilayan: tumitibok ba ang iyong puso para sa Diyos?  Hinahayaan mo bang mapuspos ka ng banal na pagkamangha sa presensya ng Diyos?  Ikaw ba…

Pagninilay 352: Pagpaparusa at Pagkakasala

Maaaring hindi kaaya-ayang pagnilayan ang pagpaparusa ng Diyos. Ngunit dapat maunawaan na tunay ang Kanyang mga parusa at ang mga ito ay pagpapahayag ng Kanyang saganang Awa. Kapag ang mga kaluluwa ay tumatalikod sa Diyos at tumatanggi sa Kanyang Awa, lubhang nasusugatan ang Kanyang Puso. Dahil dito, ang Diyos ay nagiging…

Pagninilay 350: Kagandahan sa Pagsamba

Maganda ang daigdig at inihahayag nito ang kagandahan ng Diyos, ngunit higit na maganda ang mga espirituwal na katotohanan, tulad ng Banal na Eukaristiya. Upang makita ang kagandahan ng Diyos na naroroon sa Kabanal-banalang Eukaristiya, kailangan mo ng mga mata ng pananampalataya. Isa sa pinakamainam na paraan upang luminaw ang iyong pagtanaw sa kagandahang ito ay ang pagsamba. Bagaman ang pagtanggap…

Pagninilay 349: Ang Pagkawala ng Kapayapaan ng Iyong Puso

Ano ang may kapangyarihang magnakaw ng kapayapaan at kapanatagan ng iyong puso? Paano kung ikaw ay insultuhin, kutyain, husgahan nang mali, ibilanggo, bugbugin o patayin pa nga? Maaagaw ba ng alinman sa mga ito ang kapayapaan ng Diyos sa iyong puso? Kung hahayaan mo lamang. Napakahalagang malaman mo at maniwala…

Pagninilay 345: Nalulunod sa Diyos

Naranasan mo na bang magbabad sa Diyos?  Ito ay isang bihirang karanasan na hindi pa nga nararanasan ng karamihan.  Ang pagbababad o pagkalunod sa Diyos ay nangangahulugang napakalalim ng iyong pagkalubog sa panalangin na para bang nawawala ka sa Kanyang presensya.  Kapag nangyari ito, lubusan kang inaangkin ng Panginoon…

Pagninilay 342: Ang Kaginhawahang Dulot ng Pasyon

Karaniwan, hindi natin pinagsasama ang mga salitang “pasyon” at “kaginhawahan.” Paano makapagbibigay ng kaginhawahan ang Pasyon ni Kristo? Sa makalupang pananaw lamang ito kakila-kilabot at malungkot. Lubhang nagdusa ang Panginoon, at ang ating Mahal na Ina ay nagdusa kasama Niya nang may pinakamatinding lumbay…

Pagninilay 339: Ang Dalisay na Kaluluwa

Maaaring hindi mo ito agad maisip, ngunit ang kaluluwang may dalisay na pag-ibig sa Diyos ay kinatatakutan ng marami. Ang “takot” nilang ito ay takot na salungatin ang gayong kaluluwa. Ang mga may masamang hangarin ay hindi mangangahas na salakayin ang gayong tao sapagkat alam nilang maaaring sa kanila bumalik ang masama nilang balak. Imposible…

Pagninilay 336: Ang mga Kayamanan ng Mundo…o ang Diyos?

Kapansin-pansin kung gaano kadalas nating hangarin ang mga ari-arian sa mundo. Kahit mapasaiyo lamang ang lahat ng kayamanan sa mundo, hindi nito mapupunan ang pananabik ng iyong puso. Iisa lamang ang makapupuno sa kahungkagan sa iyong kalooban—ang Panginoon at ang Kanyang banal na Kalooban. Wala nang iba…