Tagalog

Pagninilay 111: Ang mga Kasinungalingan ng Masama

Tutuksuhin tayo ng diyablo sa maraming paraan. Isang karaniwang paraan ng pag-atake niya sa atin ang pagpapaalala sa atin ng ating mga kasalanan, pati na ang mga naipangumpisal na natin. Gustong-gusto niyang papaniwalain tayo na mali ang ating tinatahak na landas, na hindi tayo kalugud-lugod sa Diyos, na tayo ay mga sinungaling at makasalanan. At…

Pagninilay 105: Mga Bunga ng Pananahan ng Diyos

Ano ang mararanasan mo kung ganap na mananahan ang Diyos sa kaibuturan ng iyong kaluluwa? Kapayapaan, kagalakan at pagkamangha! At mula sa mga kaloob na ito, at sa pananahan ng Santatlo, magkakaroon ka ng tapang sa harap ng paghihirap, lakas upang iwaksi ang takot at isang di-malalampasang pananggalang…

Pagninilay 53: Mga Kahirapan sa Panalangin

May mga panloob at panlabas na kahirapan tayong nararanasan habang sinisikap nating gawing pang-araw-araw na gawi ang pananalangin.  Mga panloob na kahirapan: panghihina ng loob, pagkatuyot ng kaluluwa, kabigatan ng kalooban at mga tukso.  Napagtatagumpayan ang mga kahirapang ito sa pamamagitan ng pagtitiyaga at pagpupunyagi.  Mga panlabas…

Pagninilay 39: Pagkawala ng Kaaliwang Espirituwal

Madaling mahulog sa bitag ng pag-aakalang dahil sumusunod tayo kay Hesus, dapat tayong patuloy na makadama ng kaaliwan at kapanatagan sa lahat ng ating ginagawa. Totoo ba iyon? Oo at hindi. Sa isang diwa, magiging patuloy ang ating kaaliwan kung lagi nating tinutupad ang Kalooban ng Diyos at alam nating tinutupad natin ito. Gayunman…

Pagninilay 28: Mga Tuksong Magreklamo

May mga pagkakataong natutukso tayong magreklamo. Kapag natutuksong kuwestiyunin ang Diyos at ang Kanyang ganap na pag-ibig at ganap na plano, alamin na ang tuksong ito ay walang iba kundi…

Pagninilay 364: Panalangin para sa mga Naghihingalo

Napakahalaga ng oras ng iyong kamatayan para sa iyong walang hanggang kaligtasan.  Kapag dinarasal mo ang “Aba Ginoong Maria,” partikular mong ipinagdarasal ang banal na oras na ito.  Isa itong banal na oras.  Ngunit ito rin ang oras na muli kang sasalakayin ng Masama upang tangkaing agawin…

Pagninilay 360: Labanang Espirituwal

Totoo ang manunukso, si satanas, ngunit hindi siya dapat katakutan.  Huwag mo siyang pansinin.  Huwag mong patulan ang kanyang mga ideya.  Huwag kang makipagtawaran sa kanya.  Sa harap ng mga tukso, dapat kang magkaroon ng tapang, pagtitiwala sa Awa ng Diyos, at pag-asa.  Huwag maging…

Pagninilay 346: Ang mga Kaloob sa Iba

Isang gawa ng awa na maaari mong ialay sa kapwa ay ang pagkilala sa mga kaloob ng Diyos sa kanilang buhay at ang pagkagalak dahil dito. Nakalulungkot na madalas ay may tuksong mainggit sa iba, lalo na kapag nakikita mo ang kanilang likas na mga talento o ang biyaya ng Diyos sa kanilang buhay. Ngunit…

Pagninilay 340: Ang Pagdanas ng Pagsubok

Maaaring hindi ito kaagad maging kaaya-aya, ngunit kung minsan ay malaki ang naidudulot na kabutihan sa atin ng pagdanas ng pagsubok. Ipinahihintulot ito ng Panginoon sa iba’t ibang paraan. Ang pagdanas ng pagsubok ay hindi isang tukso; sa halip, ito ay isang paraan ng Panginoon na hayaan tayong magtiis ng pagsubok upang anyayahan tayong magpasakop nang mas lubos sa Kanyang banal na Kalooban. Kapag…