iniuugnay kay Georg Friedrich Stettner († 1639), mula sa Wikimedia Commons
Video
Mahalaga ba ang maliliit na sakripisyo? Minsan ay naiisip nating dapat tayong magsikap na gumawa ng mga dakilang bagay. May ilan na may matatayog na hangarin at nangangarap na makagawa ng mga dakilang tagumpay. Ngunit paano naman ang maliliit at paulit-ulit na sakripisyong ginagawa natin araw-araw? Mga sakripisyong tulad ng paglilinis, pagluluto, pagtulong sa kapwa, pagpapatawad, at iba pa? Mahalaga ba ang maliliit na bagay? Tiyak na mahalaga. Ang mga ito ay isang walang-katulad na kayamanang inihahandog natin sa Diyos. Ang maliliit na sakripisyo sa araw-araw ay tulad ng isang parang sa malawak na lambak, na puno ng magagandang ligaw na bulaklak hanggang sa abot-tanaw. Maganda ang isang bulaklak, ngunit kapag itinalaga natin ang ating sarili sa maliliit na gawaing ito ng pag-ibig sa buong maghapon, araw-araw, inihahandog natin sa Diyos ang isang malawak na parang ng walang-hanggang kagandahan at karilagan (Tingnan ang Talaarawan #208).
Pagnilayan mo ngayon ang maliliit na bagay. Ano ang ginagawa mo araw-araw na nakapapagod sa iyo at tila nakakabagot o hindi mahalaga? Alamin mong ang mga gawaing ito, marahil higit pa sa anupamang gawain, ay nagbibigay sa iyo ng isang napakagandang pagkakataong parangalan at luwalhatiin ang Diyos sa isang maringal na paraan.
Panginoon, inihahandog ko sa Iyo ang aking araw. Inihahandog ko sa Iyo ang lahat ng aking ginagawa at ang buo kong pagkatao. Lalo kong inihahandog sa Iyo ang maliliit na bagay na ginagawa ko araw-araw. Nawa ang bawat kilos ko ay maging kaloob sa Iyo, na nag-aalay sa Iyo ng karangalan at kaluwalhatian sa buong maghapon. Hesus, nagtitiwala ako sa Iyo.
Mga Pagninilay sa Ikalabindalawang Araw:
40 Araw sa Disyerto & 40 Araw sa Paanan ng Krus
Mga Sanggunian para sa Kuwaresma
Marso 3 – Santa Katharine Drexel, Birhen
Higit Pang mga Pagninilay sa Banal na Awa
Mga Pagninilay sa Ebanghelyo Araw-araw
Mga Santo/Kapistahan Ngayong Araw




