Tagalog

Pagninilay 161: Ang Natatanging Pagmamahal na Ipinagkaloob sa Iyo

Kapag pinagninilayan ang pag-ibig at ang Awa ng Diyos, madaling isipin ang Kanyang pag-ibig sa pangkalahatang paraan, na para bang pantay-pantay itong ipinamamahagi sa lahat ng tao sa iisang paraan. Ngunit ang pag-ibig ng Diyos para sa iyo ay higit pa sa isang pangkalahatang kaloob sa lahat ng tao. Ito ay…

Pagninilay 160: Ang Awa sa Pangungumpisal

Natuklasan mo na ba ang malaking kagalakan ng pangungumpisal? May ilan na hindi itinuturing na isang malaking kagalakan ang Sakramento ng Kumpisal. Sa halip, nakikita nila ito bilang isang masakit at nakahihiyang karanasan. Ngunit marahil ay kailangan ng ilan ang pagpapakumbabang dulot ng isang tapat na pangungumpisal…

Pagninilay 159: Awa sa Oras ng Iyong Kamatayan

Sa tuwing dinarasal natin ang “Aba Ginoong Maria,” ipinagdarasal natin ang banal na oras ng ating kamatayan. Sa paggawa nito, ipinagkakatiwala natin ang oras na iyon sa ating Mahal na Ina upang mamagitan siya para sa atin sa sandaling kailangang-kailangan natin ito. Isa pang banal na panalanging maaari nating dasalin bilang paghahanda sa oras na iyon ay ang Koronilya sa Banal na Awa. Napakadalas…

Pagninilay 158: Ang Nilalaman ng Iyong Pananalita

Ang nilalaman ng iyong pananalita sa araw-araw ay malinaw na salamin ng nilalaman ng iyong kaluluwa. Kaya ano ang sinasalamin ng iyong pananalita? Madalas mong mapapansing ang iyong mga pag-uusap sa buong maghapon ay tungkol sa mga bagay na mababaw at makamundo. Bagama’t ang ilang kaswal na pag-uusap na ganito…

Pagninilay 157: Pagpapasya sa Usaping Moral

Nahihirapan ka ba kung minsan na gumawa ng tamang pasya sa usaping moral? Nangyayari ito dahil sa ating makasalanang kalikasan bilang tao. Madali tayong malito sa buhay at madaling hindi maunawaan ang Isip at Kalooban ng Diyos. Kaya ano ang dapat mong gawin? Alamin mong ang iyong budhi ay isang santuwaryo na…

Pagninilay 156: Ang Panginoon ang Ating Kanlungan

May mga pagkakataon sa buhay na nakadarama ka ng takot. Maaaring may napakahirap kang gawaing haharapin, o maaaring tinatahak mo ang isang landas na hindi mo alam kung saan hahantong. Ang mga ito, at marami pang ibang karanasan sa buhay, ay maaaring maging sanhi ng takot at pagkabalisa. Ang takot sa hindi nalalaman ay maaaring…

Pagninilay 155: Pagharap sa Paghatol nang may Biyaya

Isang masakit na karanasang maaari mong harapin ang padalus-dalos na paghatol ng iba. May mga pagkakataong hahatulan at hahamakin ka ng iba dahil sa mga bagay na hindi mo kontrolado. Marahil ay may mapansin silang maliit na pagkukulang at palakihin ito upang gamitin bilang…

Pagninilay 154: Tahimik at Mapagpakumbabang Pagsamba

Isipin ang tagpo ng ating Mahal na Ina sa abang kalagayan noong Pagsilang ng Panginoon. Wala siyang ibang tahanan noon kundi ang lugar na ito kung saan nagtitipon ang mga hayop. Gayunman, sa katahimikan ng banal na gabing iyon, panatag siya na tila nasa sariling tahanan habang pinagmamasdan ang kanyang Anak nang may pinakamatimyas na pagsamba at pagmamahal. Siya…

Pagninilay 153: Pagkilala sa Ating “Kaliitan”

Sabik na sabik ang maliliit na bata na lumaki. Kapag kaarawan nila, nag-uumapaw sila sa tuwa dahil nadagdagan na naman ng isang taon ang kanilang edad. Gayunman, bilang maliliit na bata, umaasa pa rin sila sa kanilang mga magulang sa maraming paraan. Ganiyan din tayo sa espirituwal na buhay. Madalas nating naising “lumaki” at…

Pagninilay 152: Ang Misteryo ng Biyaya ng Pagdurusa

Ang pagdurusa ng tao ay isa sa mga pinakadakilang misteryo ng buhay. Ang Talaarawan ni Santa Faustina, gayundin ang buong espirituwal na tradisyon ng ating pananampalataya, ay nagsisiwalat ng maraming bagay tungkol sa malalim na misteryong ito ng pagdurusa. Una, mula sa isang pananaw na sekular lamang, ang pagdurusa ay malayong maging kanais-nais. Sa katunayan, karaniwan itong iniiwasan anuman ang kapalit at itinuturing na pinakamalaking trahedya. Gayunman, mula sa pananaw ng isang Kristiyano, ang pagdurusa mismo ay…