Pagninilay 91: Ang Panalangin para sa Kapwa ay Nagbubukas ng Pinto
Ang Diyos lamang ang nakaaalam ng tunay na pangangailangan ng kapwa. Hindi natin mababasa ang kaluluwa ng iba maliban kung ipagkaloob sa atin ng Diyos ang natatanging biyayang ito. Ngunit bawat isa sa atin ay tinatawag na manalangin nang taimtim para sa kapwa. Kung minsan, kung bukás tayo, ilalagay ng Diyos sa ating puso ang pangangailangang manalangin nang taimtim…