Tagalog

Pagninilay 102: Ginagamit ng Diyos ang Mahihina

Kung ikaw ang Diyos at may maluwalhating gawaing nais mong maisakatuparan, sino ang pipiliin mo? Isang taong may hayag na mga kaloob? O isang taong mahina, mapagpakumbaba, at tila kakaunti lamang ang likas na mga kaloob? Nakapagtataka, ngunit kadalasan ay ang mahihina ang pinipili ng Diyos para sa…

Magbasa pa

Pagninilay 101: Ang Diyos na Nagsasalita sa Pamamagitan ng Iba

Madalas, nais ng Diyos na maghatid sa iyo ng isang natatanging mensahe na kailangan mong marinig. Maaaring habang nakikinig ka sa isang homiliya, nagbabasa ng aklat, nakikinig sa radyo o nakikipag-usap sa isang kaibigan, may isang partikular na bagay na tatatak sa iyo na tila hindi nakaaapekto…

Magbasa pa

Pagninilay 100: Ang Paghahangad ng Mabuti

Ngumingiti sa atin ang Diyos at masagana Niya tayong ginagantimpalaan dahil sa pag-ibig na iniaalay natin sa Kanya at sa kapwa. Ang ating mga gawa ng pag-ibig, kapag udyok ng Kanyang biyaya, ay nagiging mga kayamanan sa Langit. Ngunit hindi lamang iyon ang nagiging mga kayamanan. Maging ang ating pagnanais na gumawa ng mabuti…

Magbasa pa

Pagninilay 99: Ang Hagupit ng Kasalanan

Bakit nagdusa nang gayon si Hesus?  Bakit Siya hinagupit nang napakatindi?  Bakit napakasakit ng Kanyang kamatayan?  Sapagkat ang kasalanan ay may mga bunga at pinagmumulan ng matinding sakit.  Ngunit ang kusang-loob at walang-kasalanang pagyakap ni Hesus sa pagdurusa ay nagpabago…

Magbasa pa

Pagninilay 98: Pagiging Kasangkapan

Kapag tinatawag tayo ng Diyos upang gampanan ang isang misyon, sino ang kumikilos? Ang Diyos ba o tayo? Ang totoo, kapwa tayo kumikilos: ang Diyos ang pinagmumulan at tayo ang kasangkapan. Nagsisikap tayo nang may malayang kalooban, ngunit ang Diyos ang nagliliwanag sa pamamagitan natin. Kung paanong ang isang bintana ay maaaring magsilbing pinagmumulan ng liwanag…

Magbasa pa

Pagninilay 97: Ang “Dahilan” ng Ating Kahinaan

Kung hihilingin sa iyo na bumuo ng isang sasakyang pangkalawakan mula sa simula, maaari kang tumutol at sabihing wala kang sapat na kakayahan sa larangang ito at, samakatuwid, hindi mo magagawa ang hinihiling sa iyo. Madalas ay ganito rin ang tugon natin sa Diyos hinggil sa Kanyang Kalooban. Madali nating madama…

Magbasa pa

Pagninilay 96: Ang Dakilang Plano ng Diyos para sa Iyo

Tayong lahat, paminsan-minsan, ay maaaring mangarap ng kadakilaan. Paano kung mayaman at tanyag ako? Paano kung makapangyarihan ako sa mundong ito? Paano kung ako ang Papa o ang Pangulo? Ngunit makatitiyak tayo na talagang may mga dakilang bagay na niloloob ang Diyos para sa atin. Tinatawag Niya tayo sa isang kadakilaan…

Magbasa pa

Pagninilay 95: Pagtitiwala sa Awa ng Diyos

Kung maghuhulog ka ng isang bagay sa gitna ng malawak na karagatan, alam mong tiyak na tiyak na mababasa ito. Lulunurin ito ng napakalawak na karagatan. Ganyan din ang Awa ng Diyos. Napakalawak nito at walang hanggan. Kaya, kung magtitiwala ka…

Magbasa pa

Pagninilay 94: Pagharap sa Masama

Kung nais mong iwasan ang matinding poot ng Masama, huwag kang magsikap na maging banal. Kapopootan ka pa rin ni Satanas, ngunit hindi kasintindi ng pagkapoot niya sa isang santo. Ngunit, siyempre, kahangalan ito! Bakit iiwasan ninuman ang kabanalan para lamang makaiwas sa poot…

Magbasa pa

Pagninilay 93: Ang Pagtatagpo ng Pag-ibig at Kasalanan

Saan nagtatagpo ang pag-ibig at kasalanan?  Nagtatagpo ang mga ito sa pag-uusig, pangungutya at masamang hangaring ipinadama sa ating Panginoon.  Siya ang ganap na pag-ibig na nagkatawang-tao.  Walang hanggan ang Awa sa Kanyang Puso.  Hindi kayang ilarawan ng isip ang Kanyang pagkalinga at malasakit sa lahat ng tao.  Gayunman, kinutya Siya ng mga kawal…

Magbasa pa