Tagalog

Pagninilay 310: Ang Kahangalan ng diyablo

Totoo ang diyablo at totoo ang kanyang mga tukso. Lubos ang kanyang pagkamuhi sa iyo at hangad niya ang iyong kapahamakan. Mabuting malaman ito. Ngunit tuso rin at mapagmanipula ang diyablo, at bihira siyang magsabi sa iyo ng tahasang mga kasinungalingan sapagkat alam niyang malamang na hindi ka mahihikayat ng ganitong tukso…

Pagninilay 309: Pakikipag-usap sa Kapwa

Sa tuwing nakikipag-usap tayo sa kapwa, lagi itong pagkakataong maibahagi ang pag-ibig ng Diyos. Kahit ang karaniwang kuwentuhan ay may ganitong kakayahan. Halimbawa, ang matamang pakikinig sa mga detalye ng buhay ng kausap ay nagpapahayag ng malasakit at pag-aalala para sa kanya at nagpapakita na nakikita mo ang kanyang dignidad…

Pagninilay 308: Pagmamahal ng Isang Ina

Totoong walang larawan sa lupa ang lubos na makapaghahayag ng ganap na pag-ibig ng Diyos. Ang Diyos ay lampas sa lahat ng nilikha at ang Kanyang pag-ibig ay higit sa kayang saklawin ng mundong ito. Gayunman, maraming bagay sa mundong ito ang naghahayag ng mga aspeto ng pag-ibig ng Diyos. Isa sa mga larawang ito ang pagmamahal ng isang ina. Bagaman…

Pagninilay 306: Walang Humpay ang Diyos

Nagdududa ka ba sa Pag-ibig ng Diyos? Ang katotohanan ay walang humpay ang Diyos sa paghahanap sa iyo. Bagaman nakasalalay sa atin ang malaking bahagi ng ating kabanalan, ang pinakamalaking bahagi nito ay nakasalalay sa Diyos. Habang narito ka sa lupa, hindi tumitigil ang Diyos sa paghahanap sa iyo at sa paghahangad ng iyong pagbabalik-loob. Ipinadadala Niya ang Kanyang Awa sa…

Pagninilay 305: Ang Lalim ng Pag-ibig ng Diyos

Isipin mong may isang taong nag-alay ng kanyang buhay para sa iyo dahil mahal ka niya. Napaharap siya sa isang sitwasyon kung saan alam niyang mamamatay ka kung hindi niya kusang-loob na iaalay ang kanyang buhay. Kaya buong tiwala siyang humakbang pasulong at inialay ang kanyang buhay kapalit ng sa iyo. Upang…

Pagninilay 304: Ang Katotohanan sa Lahat ng Bagay

Dapat ba nating katakutan ang katotohanan? Sa isang banda, maaari tayong mapahamak dahil sa katotohanan. Tingnan, halimbawa, ang mga Martir. Sila ay mga saksi sa katotohanan sa pamamagitan ng pagbubuhos ng kanilang dugo. Sila ay “napahamak” lamang sa diwang ang kanilang pagpapatotoo sa katotohanan ang naging dahilan ng pag-uusig sa kanila. Ngunit…

Pagninilay 303: Katahimikan

Isa sa mga panganib na nararanasan ng marami sa ating makabagong daigdig ng teknolohiya ay ang walang tigil na ingay. Madali tayong mabugahan ng samu’t saring usapan sa buong maghapon. Maaaring mula ito sa radyo, TV, Internet, o sa walang patid na pagsasalita ng iba. Bihira tayong magkaroon ng mga sandali ng ganap na…

Pagninilay 302: Isang Dakila, Makapangyarihan at Matalas na Intelekto

Ang ating kaisipan ay kaloob ng Diyos at isa sa dalawang pangunahing paraan kung paano tayo nilikha ayon sa Kanyang larawan at wangis. Ang isa pang paraan ay sa pamamagitan ng kaloob na malayang kalooban. Ngunit ang intelekto ay isang kahanga-hangang kaloob na dapat ilaan sa gawain ng Diyos. Mabuting manalangin na ang ating Panginoon…

Pagninilay 301: Ang Pakikipag-isa ng mga Banal

Isa sa dapat mag-udyok sa atin na masigasig na ipalaganap ang Awa ng Diyos ay ang katotohanan ng Pakikipag-isa ng mga Banal. Ang pag-unawa sa walang-hanggang pakikipag-isang ito ay tutulong sa atin na mapagtanto na ang ginagawa natin ngayon ay ikagagalak natin magpakailanman sa Langit. Halimbawa, kung…