Tagalog

Pagninilay 329: Pangungumpisal nang May Kagalakan

Bakit ka natatakot sa Pangungumpisal?  Ang maluwalhating Sakramentong ito ay iniaalok sa iyo mula sa mapagmahal na Puso ng ating Panginoon.  Sa pamamagitan ng maluwalhating kaloob na ito, inaalis ni Hesus ang mga pasaning dinadala mo upang higit kang makabahagi sa Kanyang Awa.  Kung nauunawaan mo ito…

Pagninilay 327: Ang Natatagong Presensya ng Diyos

Nagkukubli ang Diyos. Ngunit bakit? Nagkukubli Siya sa likod ng tabing ng lihim at katahimikan upang masigasig natin Siyang hanapin. Hindi Niya pinipiling makipagpaligsahan sa mga panggagambala ng mundo sapagkat nais Niyang piliin mo Siya bilang iyong tanging hangarin. Hangarin mong hanapin Siya, na natatago sa iyong puso…

Pagninilay 300: Pagsisiwalat ng mga Lihim ng Iyong Kaluluwa

Tunay na nakaaaliw ang magkaroon ng isang taong mapagsisiwalatan mo ng kaibuturan ng iyong kaluluwa.  Ang ganitong mapagkakatiwalaang tao ay isang malaking pagpapala kapag may ganap na pag-iingat sa iyong mga lihim, awa, at pag-unawa.  Maging ang pagsasalita tungkol sa iyong mga kasalanan nang walang pag-aatubili…

Pagninilay 283: Pagdaig sa Kasalanan

Napakasimple ng mensahe ng Awa ng Diyos kaya madali natin itong hindi mapansin, kahit matapos pagnilayan ang maraming pahina ng aklat na ito o ang Talaarawan ni Santa Faustina.  Ang payak na katotohanang dapat ipahayag ng mensahe ng Awa ng Diyos ay na hindi tayo dapat magkaroon ng anumang takot sa pag-amin ng ating mga kasalanan…

Pagninilay 274: Pagpapanibago ng Iyong mga Panata

Karaniwang kaugalian ng mga mag-asawa ang pagpapanibago ng kanilang mga panata paminsan-minsan, lalo na sa mahahalagang anibersaryo. Nagpapanibago rin ng mga panata at pangako ang mga pari at relihiyoso. Mabuti at banal ang kaugaliang ito sapagkat dapat nating patuloy na panibaguhin…

Pagninilay 160: Ang Awa sa Pangungumpisal

Natuklasan mo na ba ang malaking kagalakan ng pangungumpisal? May ilan na hindi itinuturing na isang malaking kagalakan ang Sakramento ng Kumpisal. Sa halip, nakikita nila ito bilang isang masakit at nakahihiyang karanasan. Ngunit marahil ay kailangan ng ilan ang pagpapakumbabang dulot ng isang tapat na pangungumpisal…

Pagninilay 117: Ang Klawsura ng Iyong Puso

May mga madre at mongheng namumuhay sa loob ng klawsura. Walang sinumang maaaring pumasok sa klawsurang iyon nang walang sapat na dahilan, maliban kung kabilang siya sa pamayanang iyon ng pananampalataya. Ang iba ay maaari lamang pumasok nang may pahintulot ng superyor. Maaaring…

Pagninilay 107: Pagbubukas ng Iyong Kaluluwa sa Kumpisal

Ipinadadala sa atin ng Diyos ang Kanyang mga kinatawan sa katauhan ng Kanyang mga pari. Bagaman hindi perpekto ang mga pari, mga kinatawan pa rin sila ng Diyos. Lalo itong totoo sa Sakramento ng Pakikipagkasundo. Mahalagang lumapit tayo sa Sakramentong iyon…

Pagninilay 90: Pakikiisa sa Lahat

Nilikha tayo upang magkaisa sa isa’t isa.  Kapag walang pagkakaisa, nadarama ang mga epekto nito sa mga pamilya, pamayanan, at mga bansa.  Ano ang nagbubuklod sa atin nang higit sa anupaman?  Una sa lahat, kaisa natin ang ibang mga kaluluwa sa pamamagitan ng ating…

Pagninilay 59: “O, Dugo at Tubig…”

Pagkamatay ni Hesus, lumapit sa Kanya ang isa sa mga kawal na inutusang tiyaking patay na Siya. Kaya tinusok ng kawal na iyon ng sibat ang Kanyang mahal na katawan, at kaagad na dumaloy ang dugo at tubig mula sa Kanyang sugatang Puso. Ito ay mapanalanging pinagnilayan…