Tagalog

Pagninilay 267: Katarungan o Awa?

Nararapat na pag-usapan kapwa ang Katarungan ng Diyos at ang Kanyang Awa. Hindi magkasalungat ang mga ito. Ipapataw ang Kanyang Katarungan sa mga tumatangging magsisi, gaya ng pagpapataw nito sa mga anghel na tumangging maglingkod sa Diyos. Ngunit sa ngayon, mas nararapat na sabihing Maawain ang Diyos. Sa katunayan…

Pagninilay 263: Ang Diyos Bilang Iyong Timonel sa Bagyo

Isipin mong isa kang maliit na bata na nasa isang maliit na bangka sa gitna ng dagat. Dumating ang isang bagyo at wala kang matanaw na lupa saan ka man tumingin. Inihahagis-hagis ka ng mga alon na tumatabon sa unahan ng bangka sa bawat paghampas, at iniisip mo kung paano ka makaliligtas. Ngayon, isipin mong ang iyong tatay…

Pagninilay 261: Si Hesus na Nakatago sa Kapwa

Isipin mong lumapit sa iyo si Hesus na dukha, nagugutom at giniginaw, at hiniling Niyang alagaan mo Siya.  Maaaring magulat ka sa karanasang ito at mapatanong kung si Hesus nga ba talaga ang taong ito.  Ngunit Siya nga si Hesus.  Araw-araw na lumalapit sa atin si Hesus sa katauhan ng taong nangangailangan.  Maaaring…

Pagninilay 248: Walang-hanggang Mapagkukunan

Isipin mong nakatuklas ka ng isang di-nauubos na bukal ng likas na yaman sa pamamagitan ng paglikha ng isang makinang ginagawang walang-hanggang enerhiya ang kaunting oksiheno lamang.  Kailangan mo lamang paandarin ang makinang nilikha mo at malilikha na ang enerhiya…

Pagninilay 240: Tamis o Pait sa Buhay?

Alin ang mas nais mo para sa iyong buhay? Ang araw-araw na makaranas ng tamis o ng pait sa iyong mga pandama? Sa madaling salita, nais mo bang masiyahan sa maraming aspeto ng iyong pang-araw-araw na buhay, o nais mong ang pagtupad sa iyong tungkulin araw-araw ay mag-iwan ng kaunting pait sa iyong…

Pagninilay 239: Ang Tatak ng Awa

Bawat dakilang santo ay nagpapamalas ng isang aspeto ng kabutihan ng Diyos. Ang ilan ay namumuhay nang may pambihirang kalayaan sa pagkagapos sa makamundong kayamanan, ang ilan ay naglilingkod sa mga dukha nang may di-natitinag na katapatan, ang ilan ay namumuhay sa malalim na pananalangin, ang ilan ay tumatanggap ng mga mistikong pahayag, ang ilan ay sumusulat ng mga tomo ng…

Pagninilay 232: Pagpapakalma sa Bagyo

Alalahanin ang kuwento ng pagpapakalma ni Hesus sa bagyo (Mateo 8:23-27). Ang himalang ito ay ginawa bilang isang tandang propetiko na magdadala Siya sa iyo ng kapayapaan sa mga partikular na hamong kinakaharap mo sa buhay…

Pagninilay 211: Malapit sa Ina ng Diyos

Ang pagmamahal ng isang ina ay masasabing “matindi” sapagkat handa niyang ialay ang kanyang buhay upang maprotektahan ang kanyang mga anak.  Likas na kumikilos ang isang ina kapag ang kanyang anak ay nasa panganib, nasasaktan, o nangangailangan, at nalilimutan niya ang sarili niyang kapakanan upang maprotektahan ang kanyang…

Pagninilay 208: Isang Espirituwal na Palaso ng Awa

Karaniwan, ang palaso ay nakasusugat at nakamamatay. Sa buong kasaysayan, ginamit ang mga palaso sa digmaan at pangangaso. Ngunit ibang-iba ang isang espirituwal na palaso ng Awa. Alalahanin ang mga salita ng propetang Simeon sa ating Mahal na Ina, “At ikaw mismo ay tatagosan ng isang tabak” (Lucas 2:35). At…

Pagninilay 207: Pagtamo ng Kaaliwan sa Puso ni Kristo

Madalas makadama ng malaking kaaliwan ang mga bata kapag yumayakap sila nang mahigpit sa isang mapagmahal at magiliw na magulang.  Lubos silang nasisiyahan kapag mahigpit silang niyayakap ng mga bisig na ito ng pagmamahal.  Sa mga sandaling ito, napapawi ang takot at pag-aalala, at nanunumbalik ang kapayapaan at kaaliwan matapos ang pagkabagabag.  Ganito rin dapat…